header image
 

Katapusan na….

may isang lalaking gusgusin ang naglalakad sa mahabang kalye ng ermita habang sumisigaw ng “Katapusan na! Katapusan na!” nangilabot ang mga tao at ang iba ay nagsimula ng magdasal. Hanggang sa isang tao ang naglakas loob at sumigaw ng… “HOY! AKINSE PALANG”

hehe… di na ako masyadong nakapagkuwento sa yo mahal kong blog, kaya ngayon ay ku-0kwentuhan kita…

nalalapit ng matapos ang sembreak namin… enrollment na bukas,,, kailangan ko na namang pumila ng mahabang-mahaba para makapag-enroll.

habang sinusulat ko itong blog entry ko na ito ay katatapos ko lang mag-bunot ng at maglinis ng bahay dahil may mga taong pupunta dito sa amin mamaya so, kailangan malinis at presentable ang aming munting tahanan.

habng sinusulat ko din itong blog na ito ay nakikinig ako sa mga Christmas songs (wala lang!) sarap kas sa pakiramdam eh… sabi nila ang masarap lang daw sa pasko ay yung panahon ng paghihintay… then pagka yung araw na mismo ng pasko eh di na tayo masyadong nag-eenjoy maliban nalang kung bata tayo at may matataggap na regalo mula sa mga ninong at ninang natin…(in my case, isang ninang nalang angang natitira sa akin na nandidito sa pilipinas, yung iba, pagkatapos ng binyag ko ay, yun, nagliparan na papuntang japan., ay hindi bali dalawa pa pala yung ninang kong nandito sa bansa kasi yung isa ninang ko sa boyscout.)
sarap ng piling ng maghintay sa  pasko no?

~ by jeffereygilcaber on October 22, 2008.

One Response to “Katapusan na….”

  1. freindster layout…

    It really seems to……

Leave a Reply